Brigada eskuwela, sisimulan na sa linggong ito ng Department of Education

Sisimulan na sa linggong ito ng Department of Education (Deped) ang taunang “Brigada Eskwela” sa mga pampublikong paaralan.

Layunin nitong maihanda ang mga eskwelahan bago ang pasukan ng mga estudyante sa Hunyo.

Ayon sa abiso ng Deped, magsisimula ang “Brigada Eskwela” sa Mayo a-19 hanggang a-24.

Ang mga nais makibahagi sa programa ay kailangang makipag-ugnayan lamang sa kanilang mga tanggapan o maging sa mga paaralan.

Inaasahan naman ang pagbubukas ng klase sa Hunyo a-dos.

Speak Your Mind

*