Budget ng gobyerno, pinangangambahang pinanghimasukan din ni Janet Lim-Napoles

Pinangangambahang pinanghimasukan din umano ni Janet Lim-Napoles ang mismong budget ng gobyerno.

Ito ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, isa sa mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee, ay isinagawa sa anyo ng dikta sa insertions.

Insertions ang tawag sa mga hirit ng mga mambabatas na karagdagang budget para sa isang ahensiya bukod pa sa orihinal na nakalaang pondo.

Bagama’t nasa website ng mga mambabatas at iba pang ahensya ang mga pinagkakagastusan ng kanilang pondo, hindi naman dito kasama ang mga insertion.

Speak Your Mind

*