China at Vietnam, nag face-off na gamit ang kani-kanilang water cannon

Nagpang-abot sa kauna-unahang pagkakataon ang sasakyang pandagat ng China at Vietnam vessel na kapwa nagpaulan ng water cannon sa isa’t isa.

Sa ulat, nagpalitan ng water cannon attack ang Vietnamese Patrol Boat at ilang Chinese Vessels malapit sa oil rig na kamakailan lang ipinosisyon ng Beijing sa pinag-aagawang isla sa South China Sea.

Nakasaad naman sa Tuoi Tre Newspaper na naglagay sa Vietnamese Vessel ng banner na humihikayat sa China na alisin at tanggalin ang itinayong oil rig nito.

Sinasabing ito ang kauna-unahang pagkaka­taon na gumanti ang Vietnam sa agresibong galaw ng China.

Speak Your Mind

*