Cojuangco, hindi mapakali sa nangyaring pagkalas ng mga Board Members ng Pangasinan sa NPC

Hindi na umano mapakali si Former Pangasinan 5th District Congressman Mark Cojuangco nang malaman ang pagkalas ng siyam hanggang sampung Provincial Board Members sa Nationalist People’s Coalition (NPC) epektibo sa Hunyo a-uno ngayong taon.

Ayon kay Engr. Rosendo So, ang chairman ng Samahan ng Industriya at Agrikultura (SINAG) at isang tagapagsalita ni Cojuangco, inaasahan na  umano nila na mangyayari ito sa mga Board Members na malapit kay Gov. Amado Espino Jr.

Si Cojuangco ang chairman ng NPC dito sa Pangasinan, ang political party na kinaaaniban nina Gov. Espino, Vice Governor Jose Ferdinand Calimlim at siyam na Provincial Board Members na tumakbo noong ‘May 16, 2013 Election’.

Ayon pa kay So, kahit marami umanong kumakalas sa grupo ng NPC ay marami din naman ang gustong sumali sa grupo, kung saan nakausap na ni Cojuangco sa kanyang paglilibot sa ilang bahagi ng probinsya.

Speak Your Mind

*