Comelec Dagupan, hinihikayat ng mga botante na makiisa sa early registration

Patuloy na hinihikayat ng Commission on Elections o Comelec Dagupan ang mga dagupenyo na samantalahin ang early registration na nagsimula na ngayong araw upang magparehistro at makaboto sa 2016 Election

Ipinaliwag ni Comelec Officer Atty. Ericson Oganiza ang kahalagahan ng pag-paparehistro gamit ang biometrics system dahil posibleng hindi makaboto kung hindi ma-validate ang kanilang registration.

Ipinaalala rin ni Oganiza ang kahalagahan ng biometrics sa pagpaparehistro dahil dito na ipapatupad ang automated finger print indentification system.

Bukas naman umano ang tanggapan ng Comelec, lunes hanggang biyernes, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon ngunit Malabo umanong magbigay ng palugit na araw ang komisyon dahil sapat na ang ibinigay na panahon upang magpa-validate at magparehistro ang mga botante.

Speak Your Mind

*