Credit upgrade, inaasahang magdadala ng maraming investments sa bansa

Umaasa ang Malacañang na madaragdagan ang mga investment na papasok sa bansa kasunod nang pag-upgrade Standard and Poor’s sa credit rating ng Pilipinas.

Mula sa investment grade, itinaas pa ng isang bahagdan ang rating ng bansa bilang patunay umano sa lumalagong ekonomiya.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kung dumami ang negosyo sa bansa, tiyak na dadami rin ang mga trabaho sa bansa.

Ayon kay Coloma, pursigido ang administrasyon para mapalakas ang mga institusyon lalo sa economic management.

Ito raw ang daan para mapanatili ang momentum sa paglago ng ekonomiya at mapaangat ang kabuhayan ng mga Pilipino.

Speak Your Mind

*