Cultural fiesta, itatampok sa magaganap na Internantional Academic Summit sa Pangasinan

Itatampok sa magaganap na Internantional Academic Summit sa Mayo a-kinse, ang Cultural fiesta sa Sison auditorium kung saan mapapanood ang presentasyon ng mga iba’t ibang bansa sa Asya.

Ayon kay Dr. Sally Jarin, ang Director for International Affairs ng Pangasinan State University, excited na umano ang mga kalahok na personal na makita ang Pangasinan, partikular na ang Sison auditorium, Provincial Capitol buildings at Urduja house , na nakikita lang nila sa internet.

Ayon pa kay Provincial Tourism Officer Malou Elduayan, itatampok ng Pangasinan sa Cultural fiesta ang ating katutubong sayaw, awit at ang rondalla presentations ng Danggoan Pangasinan Cultural dance troupe, Pangasinan Provincial Chorale at iba pang performing arts groups ng PSU campuses.

Speak Your Mind

*