Dagupan City Water District, tiniyak na sapat ang suplay ng tubig sa kabila ng nararanasang tag-init

Sapat ang suplay ng tubig sa lungsod ng Dagupan sa kabila ng nararanasan ngayong tag-init at ang banta ng El Nino phenomenon.

Ito ang tiniyak ni Jayson E. Estrada ang tagapagsalita ng Dagupan City Water District o DCWD.

Ipinaliwanag ni Estrada na nakahanda na ang kanilang ipapatupad na tatlong expanded program ngayong 2nd quarter ng taon upang mas mapalakas ng suplay ng tubig sa lungsod.

Gayunpaman, hinimok ni Estrada ang publiko na magtipid pa rin sa paggamit ng tubig lalo na ngayong panahon ng tag-init, dapat umanong isara ang gripo habang nagsisipilyo, at nahuhugas ng kamay, bawasan ang paggamit ng shower sa paliligo, at laging tsekin ang mga gripo kung ito ay mayroong sira.

Speak Your Mind

*