Demolition job laban kay Binay at sa pamilya nito, inaasahang titindi pa

Inaasahang titindi pa ang mga demolition job laban kay Vice President JejomarĀ  Binay at sa pamilya nito kasunod ng pangunguna nito sa survey ng Pulse Asia.

Ayon kay Joey Salgado, tagapagsalita ni Binay, balak ng ilang grupo na patindihin ang paninira sa bise presidente at sa kanyang pamilya.

Idinagdag pa ni Salgado na ang resulta ng survey ay maaaring maging hudyat ng demolition job laban kay Binay at sa pamilya nito.

Ginawa ni Salgado ang pahayag matapos manguna si Binay sa Pulse Asia Survey kung saan lumabas na ito ang gustong maging susunod na pangulo ng marami sa mga respondent.

Speak Your Mind

*