Deped Dagupan, ikinasa na ang brigada eskuwela, diwa ng bayanihan, inaasahan

Pinaghahandaan na ng Department of Education o Deped Dagupan ang kanilang taunang “Brigada Eskwela” na magsisimula sa Mayo a-19 hanggang a-24.

Layunin umano nito na maging malinis, maayos ang mga sirang bubong, silya, pintuan, bintana, mapinturahan ang silid aralan at maihanda na ang mga eskwelahan bago ang pasukan ng mga estudyante sa hunyo

Sinabi ni Deped Dagupan School Division Superintendent Dr. Gloria Torres, hangad umano ng Deped na sa pagbubukas ng klase sa Hunyo a-dos ay maaari nang mag-umpisa ng klase dahil nagawa na ang dapat gawing paglilinis sa drigada eskuwela.

Inaasahan naman ng deped ang pakikiisa ng mga magulang estudyante, barangay officials, at lahat ng may kaugnayan sa edukasyon, dahil binuo umano ang brigada eskwela upang maipakita ang pagkakaisa ng komunidad sa pamamagitan ng bayanihan.

Speak Your Mind

*