DOLE Central Pangasinan, ipinaalala sa mga employer ang holiday pay

Mahigpit na nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) Central Pangasinan sa lahat ng employers na sumunod sa isinasaad ng batas hinggil sa pagbabayad ng holiday pay sa mga manggagawa.

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ngayong araw ng “Araw ng Paggawa o Labor Day.

Ayon kay DOLE Central Pangasinan District Office Egracio Bailon na dapat dalawandaang porsyento ang tatanggapin ng isang manggagawa oras na pumasok ito sa trabaho sa holiday.

Dagdag pa ni Bailon na sakaling hindi sumunod ang mga employers sa ipinapatupad na holiday pay sa kanilang mga empleyado ay maaari silang makasuhan.

Speak Your Mind

*