DOLE Central Pangasinan, umaasang bababa ang unemployment rate bago matapos ang taon

Dahil sa mataas ng investment rate na naitala sa Pangasinan, umaasa ang Department of Labor and Employment o DOLE na bababa naman ang unemployment rate sa lalawigan.

Batay sa pinahuling tala ng National Statistical Coordination Board o NSCB ng DOLE sa ikatlong quarter noong nakaraang taon, umaabot sa 8.5 percent ang unemployment rate sa Pangasinan.

Ayon kay DOLE District Officer Engracio Bailon, ng Central Pangasinan, katuwang na ang pagtaas ng investment ang pagdami naman ng trabaho na maaaring pasukan ng mga manggagawa.

Dahil dito, inaasahan ng DOLE na mararamdam ang pagbaba ng unemployment rate sa Pangasinan bago matapos ang taon, bunsod narin ng kanilang walang humpay na isinasagawang mga jobsfair.

Speak Your Mind

*