DPWH, tiniyak na mapuputol ang 700 punong kahoy na bahagi ng road widening project

Umaabot parin sa mahigit pitong daang (700) punong kahoy ang hindi pa napuputol ng Department of Public Works and Highway o DPWH para sa isinasagawang road wideng project sa lalawigan ng Pangasinan.

Tiniyak naman ni DPWH 3rd District Engr. Narchito Arpilleda na mapuputol parin ang nasabing mga puno dahil nakapaloob ito sa road right of way na kailangan ito upang mapalawak pa ang kalsada at pedestrial line.

Ayon kay Arpilleda na nasa pagpupulong na umano sila ng lahat ng mga Municipal Engineer na  nasasakupan ng proyekto upang pag-usapan ang naantalang pagpuputol ng puno na nagpapabagal sa road wideng project.

Matatandaan na inulan ng batikos at protesta mula sa mga environmental acvocate ang ginawang pagpuputol na puno kung saan nakarating pa sa sanggunian panlalawigan ang naturang usapin.

Speak Your Mind

*