Dredging operation sa lungsod ng Dagupan, naantala sa hindi pagdating ng operator

Hindi parin nasimulan ang Dredging operation sa lungsod ng Dagupan na inaasahang makakatulong upang maibsan ang mga pagbaha sa syudad.

Ito’y sa kabila ng pagdating ng mga dredging machine at pipes na gagamitin sa dredging operation para sa pagpapalalim ng kailugan ng Dagupan.

Ayon kay City Engr. Virginia Rosario, hindi dumating ang sanay operator ng dredging machine sa hindi malamang dahilan, ngunit tiniyak naman ng opisyal na masisimulan ito lalo nat ang mga tubong gagamitin ay nailagay na sa paghuhukayang lugar.

Nabatid na ang dredging machine ay bagong bili ng DPWH National Office ng halagang P40 milyon sa bansang Finland kung ang lungsod ng Dagupan ang unang libreng makakagamit nito.

Speak Your Mind

*