DTI, tiniyak na maproteksyunan ang mga mamimili sa pagbili ng mga school supplies

Tiniyak ng Department of Trade and industry (DTI) na may ginagawa silang hakbang upang maproteksyunan ang mga mamimili sa pagbili ng mga school supplies.

Ayon kay DTI Secretary Gregorio Domingo, tinututukan nila ngayon ang pagsagawa ng surprise inspections at “high profile inspection” para maipabatid sa mga consumers at mga nagtitinda ang mga dapat gawin.

Sinabi naman ni DTI Undersecretary Zeny Maglaya na muli silang magpapalabas ng Suggested Retail Price (srps) sa mga susunod na araw para sa mga school supplies.

Pinayuhan din nito ang mga mamimili na kung meron mang mga reklamo o katanungan sa kanilang mga produkto ay maaaring magreklamo sa kanilang tanggapan.

Speak Your Mind

*