DTI, tiniyak na walang magiging pagtaas sa presyo ng mga school supply ngayong pasukan

Walang pagtaas sa halaga ng mga school supply ngayong nalalapit na ang pagbubukas ng klase.

Ito ang tiniyak ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Vic Dimagiba.

Ginawa ni Dimagiba ang pahayag matapos tiyakin ng mga manufacturer ng mga school supply na hindi magbabago ang kasalukuyang presyo ng mga ito.

Bukod sa school supply ay hindi rin anya magtataas ang presyo ng mga school uniform.

Idinagdag pa ng kalihim na tatlong taon nang hindi nagtaas ang presyo ng mga notebook, crayons, ballpen, lapis, school bag, uniform at iba pang mga gamit ng mga mag-aaral.

Speak Your Mind

*