Ekonomiya ng Russia, apektado na ng tensyon sa Ukraine

Higit na apektado ang ekonomiya ng Russia kumpara sa european union sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa ukraine!

Ito ang kinumpirma Ng Acting Economic Affairs Commissioner Siim Kallas kung saan bakas na aniya ang ilang senyales ng unti-unting pagbulusok ng ekonomiya ng Russia bilang resulta ng ginagawa nilang panghihimasok sa Ukraine.

Partikular na tinukoy ni Kallas ang pagbagsak ng pangangapital ng Russia bilang direktang epekto ng pag-annex nito sa Crimea Region na orihinal namang bahagi ng bansang Ukraine.

Iginiit ni Kallas na hindi pa ito ang pinakamatinding epekto ng tensyon sa Ukraine.

Aniya, hanggang hindi tumitigil sa panghihimasok ng Russia ay asahan na rin ang negatibong impak sa ekonomiya ng mga bansang kasapi ng European Union!

Speak Your Mind

*