Employees Compensation Program ng ECC Region 1, nagpapatuloy

Hindi umano magsasawa ang Employees’ Compensation Commission o ECC Region I na ipabatid sa mga manggagawa na mayroon silang matatakbuhan sakaling magkaproblema sa kanilang trabaho.

Ito ang inihayag ni Patrick Chad Guzman, ang Information Officer ng ECC isang attached agency ng Department of Labors and Employment o DOLE sa panayam ng DZRD sonshienradio.

Sinabi pa ni Guzman na patuloy nilang isinasagawa ang information dissimenation kaugnay sa Employees Compensation Program o ECP upang maipabatid ang ibinibigay na benepisyo para sa mga manggagawang nagkasakit, naaksidente o namatay dahil sa trabaho.

Mahalaga umanong malaman ng mga manggagawa ang kanilang karapatan sa ilalim ng batas na ECP para matamasa nila ang mga benepisyong pwede niyang makuha sakaling may hindi magandang mangyari sa kanila habang nasa trabaho.

Speak Your Mind

*