Fast lane, inilaan sa mga PWD’s at mga Senior Citizens sa nagpapatuloy na biometrics registration

Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC Pangasinan na mabibigyang prayoridad ang mga Persons with Disabilities (PWD’s) at mga Senior Citizens na magpaparehistro sa kanilang tanggapan.

Kaugnay parin ito sa nagpapatuloy na biometrics registration ng COMELEC para sa 2016 Elections.

Ayon kay Provincial COMELEC Supervisor Atty. Marino Salas, may nakalaang fast lane para sa mga PWD’s at Senior Citizens at awtomatikong gagabayan sila ng mga COMELEC officer para sa mas mabilis na proseso ng kanilang pagpaparehistro.

Idinagdag pa ni Salas na hindi nakakalimutan ng ahensya na bigyan ng karapatang makaboto ang mga Persons with Disabilities (PWD’s).

Speak Your Mind

*