Fishkill sa bayan ng Anda at Bolinao, Pangasinan, nagbabanta

Nagbabanta ngayon ang fishkill sa dalawang bayan sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa naitalang pagbaba ng dessolved oxygen nito dala ng pabago-bagong lagay ng panahon.

Batay sa advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1, mapanganid para sa mga alagang isda ang mababang oxygen sa tubig sa bayan ng Anda at Bolinao.

Dahil umano sa mataas na temperatura o mainit na panahon, tumataas ang metabolism ng mga isda kayat nakakakonsumo sila ng mas maraming oxygen na nauuwi naman sa kakulangan ng oxygen sa mga baybayin.

Malaking epekto din umano sa level ng oxygen ang hindi normal na daloy ng tubig sa dalawang bayan dahil sa dami ng mga fishcages na nakatayo sa lugar.

Speak Your Mind

*