Force harvest, ipinayo na sa mga fishpen operator sa dalawang bayan sa Pangasinan

Inabisuhan na ang mga fishpen operator sa bayan ng Anda at Bolinao, Pangasinan na agad silang magsagawa ng force harvest o agarang pag-aani ang mga nag-aalaga ng isda.

Ito ay upang hindi umano mauwi sa fishkill ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1.

Maiiwasan umano ang fishkill kung mababawasan ang stock ng isda habang nasa panahon pa ng bago-bagong panahon at mababang dessolved oxygen.

Sa ngayon, kontrolado na ang sitwasyon sa bayan ng Anda dahil sa pagtugon narin ng mga fishpen at fishcage operator pero patuloy paring nakaantabay ang Municipal Agriculture Office sakali mang magkaroon ng fishkill.

Speak Your Mind

*