Freddie Roach, mas gustong makalaban ni Pacquiao si Marquez

Iniisip na nila Coach Freddie Roach at assistant nitong si Marvin Somodio ang posibleng maging resulta ng bakbakang Juan Manuel Marquez at Mike Alvarado sa adis-siyete ng Mayo!

Para kay Roach, si Marquez ang lamang sa laban nila ni Alvarado dahil nakita niya na kung paano ito lumaban dahil apat na beses na rin nitong nakakaharap ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao!

Pero para sa assistant niyang si Somodio, dehado sa laban si marquez lalo’t naniniwala itong may ilang pasabog na istilo si Alvarado na magpapanalo dito.

Sa kabila nito, nagkasundo naman ang dalawa na sinuman kina marquez at Alvarado ang manalo ay ang dapat na makalaban ni Pacquiao sa laban nito sa huling bahagi ng taon.

Giit ni Roach, kung sakali man ay tiyak na ang panalo ng pambansang kamao dahil malaki na rin ang inihusay ng performance ni Pacman mula nang mabawi nito ang WBO Welterweight Title mula kay Timothy Bradley Jr nitong atrese ng abril sa Las Vegas Nevada.

Speak Your Mind

*