Garbage fire sa open dumpsite, nananatiling problema ng BFP Dagupan

Isa sa malaking problema ngayon ng Bureau of Fire Protection o BFP Dagupan ang naitatalang Garbage fire sa open dumpsite sa Bonuan Tondaligan.

Ayon kay BFP Chief S/Insp. Ferdinand Formacion, dahil sa init ang panahon ngayon kusang sumisingaw ang Methane gas mula sa naimbak na basura sa dumpsite na nagiging dahilan ng pagsiklab ng sunog.

Hindi rin umano maiwasan na mismong ang mga basurero ang nagsasadyang magsunog sa dumpsite upang mas madali silang makakolekta ng basura na maaari nilang ibenta.

Sinabi pa ni Formacion na mapanganib ang naturang dumpsite lalo na sa mga residenteng malapit sa lugar dahil napapalibutan ito ng mga damuhan na posibleng maging dahilan ng grass fire.

Speak Your Mind

*