Governor Espino, ibinahagi ng kahalagahan ng scouting sa kanyang buhay

Inihayag ni Pangasinan Gov. Amado Espino, Jr. ang kahalagahan ng scouting sa kanyang buhay mula sa pagsasanay ng scouting at nagtuloy-tuloy hanggang siya ay naging militar at naging daan sa kanyang tagumpay sa kasalukuyan.

Naniniwala si Espino na kung maisabuhay ng isang scout ang mga turo ng Boy Scout of the Philippines (BSP) ay malaking hakbang sa pag-unlad ng lipunan.

Hinihikayat ngayon ni Gov. Espino ang mahigit tatlong libong scouts na dumalo sa ikaanim na National Venture Camp na palaging alalahanin at isabuhay ang batas ng scout at isapuso ang mga mission at vision ng scouting.

Kabilang sa mga dumalong campers ay mula sa mga rehiyon ng Northeastern Luzon, Central Luzon, National Capital Region, Southern Tagalog, Bicol, Western and Eastern Visayas, Western and Eastern Mindanao, at Region I.

Speak Your Mind

*