GSIS, gagamit na ng “electronic billing and collection system

Gagamit na ang government Service Insurance System (GSIS) ng “Electronic Billing and Collection System (EBCS)” para sa mga ahensya ng pama­halaan umpisa ngayong Hulyo.

Gagamitin ang EBCS sa pagtanggap at pagre-remit ng mga bayarin sa gsis, partikular ang “finance o Electronic Remittance File (ERF) officers o kung sinuman ang naghahanda ng ERF ng isang ahensya.

Sa pamamagitan ng bagong sistema, maaaring makapag-download ng GSIS billing statements, makapag-upload ng Erf at marebisa ang “account history” ng mga miyembro.

Maaari ring makakuha ng ulat para masuri, ma-update ang mga datos at maitama ang mga mali bago magbayad.

Inaasahan naman na makakatipid ang pamahalaan ng milyun-milyong pondo na ginagastos sa “postage at courier expenses” habang mas mapapabilis ang transaksyon

Speak Your Mind

*