Heart evangelista at chiz escudero, lilipad papuntang Paris

Aalis patungong Europa si Senador Chiz Escudero kasama ang kasintahang si Heart Evangelista sa susunod na buwan.

Ayon kay Escudero, mga ikalawang linggo ng hunyo kapag nag-adjourn na ang kongreso ay magtutungo sila ng Paris, France para magbakasyon.

Matatandaang sinabi ni Evangelista na kung sino ang isasama niya patungong Paris ay ‘yun na ang kanyang pakakasalan.

Samantala, nilinaw ni Escudero na mayroon pa siyang hinihintay na lumabas na desisyon bago pormal na mag-propose sa aktres.

Speak Your Mind

*