Iba’t ibang scouting activities, tampok sa isinasagawang 6th National Ventures Camp

Isinasagawa ngayon ang iba’t ibang aktibidad na nagdulot ng kasayahan at hamon para sa mga kalahok ng 6th National Venture Camp na ginaganap sa Capitol beachfront sa bayan ng Lingayen Pangasinan.

Kabilang dito ang Sea Scouting Expedition Activities kagaya ng boating, kayaking at paddling. ang BSP training group ay nag-aalok din ng lessons on basic swimming, water survival, water safety at life-saving lessons and demonstrations.

Kasama din sa mga aktibidad para sa mga campers ang Land Scouting Survival na binubuo ng scout woodcraft skills kagaya ng knot-tying, lashing, at pagtatayo ng mga istruktura gamit ang mga kawayan.

Kabilang din dito ang Air Scouting Activities kagaya ng weather forecasting, paggawa ng improvised weather instrument kagaya ng wind vane, rain gauge, signaling at iba pang may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction.

Speak Your Mind

*