Ika-limang laban ni Pacquiao at Marquez, posibleng gawin sa Macau sa Nobyembre

Posibleng ganapin sa macau ang ika-limang laban ni 8 division World Champion Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez ng Mexico, sa Nobyembre.

Ito’y kung matatalo ni Marquez sa Mayo 18 si Mike Alvarado para sa WBO Welterweight International Title.

Aminado si Top Rank Promoter at CEO Bob Arum tumanggi ang trainer ni El Dinamita na si Nacho Beristain na ganapin ang sagupaan sa Amerika.

Inanunsyo ni Arum ang kanilang pagnanais na ganapin sa macau ang Pacquiao-Marquez 5 matapos ang “barubal” umanong treatment ng pamunuan ng MGM Grand Arena sa promotion ng Pacquiao-Bradley 2.

Speak Your Mind

*