Ilang bahagi ng Iraq, muling inulan ng bomba, labing-pito katao ang patay

Labing-pito na ang patay habang 21 ang sugatan sa panibagong serye ng pambobomba at pamamaril sa Anbar Province, Iraq.

Ito’y bunsod ng military operations ng Iraqi Government bilang bahagi ng kanilang kampanya kontra sa grupong Al-Qaeda partikular sa Fallujah City.

Mahigit 90 porsyento na ng populasyon ng lungsod ang nagsilikas bunsod ng anti-terrorist operation.

Mahigit 300 katao at nasa 1,300 na ang nasugatan nang magsimula ang bakbakan sa Fallujah, simula noong Enero.

Speak Your Mind

*