Investment rate ng Pangasinan, tumaas ng sampung porsyento

Tumaas ng sampung porsyento ang Investment rate sa lalawigan ng Pangasinan kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa business name registration ng Department of Trade ang Industry o DTI Provincial Office, naitala ang labinlimang bilyong piso ang pumasok na halaga ng investment sa lalawigan noong 2013.

Ayon kay DTI Provincial Officer Peter Mangabat, malaking factor sa pagtaas ng investment ang mga isinagawang iba’t-ibang aktibidad, ang pagganda ng mga imprastraktura, maayos na pasilidad, at magandang enviroment para sa mga negosyante.

Makatulong din ani Mangabat ang mga ibinibigay na insentibo ng mga lokal na pamahalaan sa Pangasinan sa mga investor.

Samantala, nangunguna naman sa tala ng DTI ang Retail and Trade Industry sa mga patok na negosyo sa lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*