Isasagawang International Academic Summit sa Pangasinan, tiyak na magpapalakas ng turismo

Inaasahang magpapalakas sa turismo ng Pangasinan ang nakatakdang International Academic Summit na isasagawa sa lalawigan na lalahukan ng mga Higher Education Institutions (HEIS) mula sa Southeast Asia.

Ayon kay Dr. Sally Jarin, ang Director for International Affairs ng Pangasinan State University, sa pamamagitan ng nasabing aktibidad maipapakita ang mainit na pagtanggap at kakaibang pag-asikaso ng mga Pangasinense.

Dahil dito, tiyak umanong magiging dahilan ito, upang magbalik-balik ang mga dadalong bisita sa lalawigan at posibleng mamuhunan pa.

Samantala, ang isasagawang International Academic Summit ay magiging benchmark sa pagpapatupad ng mga programang pang-akademya sa pamamagitan ng maiigting na kolaborasyon at partnership para sa “Global Education through Internalization”.

Speak Your Mind

*