Isinagawang medical at surgical mission sa Dagupan, matagumpay

May kabuuang dalawang libo dalawang daan at walong pasyente ang tumanggap ng libreng medical check-up at surgery sa katatapos na apat na araw na medical and surgical mission na ginanap sa West Central Elementary School sa lungsod ng Dagupan.

Ang naturang medical at surgical mission ay pinangunahan ng mga dalubhasang manggagamot mula sa University of Santo Tomas Hospital at ng City Government ng Dagupan sa inisyatibo ni Mayor Belen T. Fernandez.

Sa tala ng grupo, mahigit isang libong kabataan ang tumanggap ng libreng tuli habang ang iba ay sumailalim sa minor at major surgical operations kagaya ng pagtatanggal sa cyst, mumps, at goiter.

Samantala, mahigit isang libong 4Ps beneficiaries ng Dagupan ang nakatanggap na rin ng kanilang ayuda para sa buwan ng Marso at Abril, na isinagawa sa City museum kahapon.

Speak Your Mind

*