Jasmine Curtis, inaming over-protective ang ate niyang si Anne; isyu nilang tatlo ni Sam Concepcion, tapos na raw

Happy raw si Jasmine Curtis-Smith at maayos na ang lahat between her boyfriend Sam Concepcion at sa ate niyang si Anne Curtis.

Say ni Jasmine, medyo lumaki lang ang isyu dahil masyado itong sinakyan ng iba!

Thankful nga raw siya dahil hindi na pinatagal pa nina Anne at Sam ang isyu.

At dahil alam naman ng public kung anong nangyari before sa kanyang ate at kay Sam ay ipinapaalam niya na rin na okay na ang lahat between them.

Wish niya lang, lagyan na raw sana ng period ang isyu para matapos na ito.

Anyway, hindi naman dine-deny ni Jasmine na over-protective nga ang kanyang ate Anne sa kanya.

Pero say niya, hindi niya ito minamasama dahil normal lang ito sa magkapatid.

Alam din naman daw kasi niya na concern lang ang ate Anne niya sa kanya at ayaw lang nitong masaktan siya.

Speak Your Mind

*