JC De Vera, muntik-muntikan na daw iwan ang showbiz

Muntik na daw i-give up ni JC De Vera ang kanyang showbiz career dahil dumating ang time na halos wala na siyang ginagawang projects!

Inamin ng kapamilya actor na nagkaroon siya ng takot dahil hindi niya alam kung saan na papunta ang career niya noon.

Kaya inisip na rin niya na gumawa ng ibang hakbang kung sakaling tuluyan na siyang mamaalam sa showbiz at sobra daw siyang na-depress before dahil unti-unti na ring nauubos ang ipon niya

Kwento ni JC, kung paano daw siya naging bakante noon ay siya namang busy niya ngayon dahil sa kabi-kabilaang tapings na ginagawa niya!

Pero never daw siyang magre-reklamo dahil hinding-hindi raw niya tatanggihan ang trabaho!

Speak Your Mind

*