Job fair ng Dole kasabay sa selebrasyon ng Labor Day, matagumpay

Matagumpay ang isinagawang Nationwide Job Fair ng Department of Labor and Employment kasabay sa selebrasyon ng Labor Day

Ito ang kinumpirma ni Labor Communications Director Nicon Fameronag batay na sa inisyal na assesment ng DOLE ay lumalabas na maayos na naisagawa ang Nationwide Job Fair kung saan libu-libong aplikante ang dumagsa rito.

Ani Fameronag, sa job fair ng DOLE dito sa Metro Manila na isinagawa sa SMX Convention Center ay tinatayang nasa pitumput-limang libong bakanteng posisyon ang inialok sa mga aplikante.

Sinabi ni Fameronag na bago mag- alas singko ng hapon ay ihahayag na nila ang inisyal na bilang ng mga na-hire-on-the-spot na mga aplikante.

Speak Your Mind

*