Kakulangan ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, tinutugunan na ng DepEd Pangasinan

Unti-unti ng tinutugunan ng Department of Education o DepEd Pangasinan II ang kakulangan ng mga guro sa lalawigan lalo na’t inaasahan ang pagdami ng bilang ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Sa isinagawang exit conference ng DepEd Pangasinan ll Division na ginanap sa bayan ng Manaoag Pangasinan, dinaluhan ito ng mahigit pitong daan aplekante sa pagka-guro.

Ayon kay School Division Superentindent Pangasinan II Dr. Viraluz Raguindin, dalawang daan item ang binukasan para sa mga aplekanteng guro na tutugon sa kakulangan ng guro sa pampublikong elementarya at sekondarya.

Tiniyak naman ni Dr. Raguindin, na agad makakapagturo ang makakapasang guro sa pamantayan ng DepEd.

Samantala, maliban sa kakulagan ng guro, pinupunan narin ng DepEd Pangasinan II ang kakulangan sa mga libro, upuan, mesa at iba pang pasilidad sa mga pampublikong paaralan.

Speak Your Mind

*