Kalusugan ng mga inmates sa BJMP Dagupan, mahigpit na binabantayan

Tiniyak ng pamunuan ng BJMP o Bureau of Jail Management and Penology sa lungsod ng Dagupan na regular ang isinasagawa nilang monitoring sa kalusugan ng mga inmates.

Ang hakbang na ito ng BJMP ay upang maiwasang dapuan ng anumang sakit ang mga inmates lalo na ngayong mainit ang panahon.

Ayon kay BJMP Jail Warden Jun Melchor Boadilla, may mandato na sa lahat ng mga inmates na kailangang maligo araw-araw at panatilihin ang kanilang personal hygiene.

Pinapanatili rin umano ang kalinisan sa kulungan, lalot umuukupa na ang aabot sa 487 inmates sa kapasidad ng kulangan na 150 inmates lamang.

Una ng naitala sa BJMP Dagupan ang isang kaso ng pagkamatay sa isang inmates na si Leonardo Solo, 64 anyos matapos atakihin sa puso.

Speak Your Mind

*