Kiko Pangilinan, itinanggi ang planong pagtakbong pangulo ng bansa

Hindi ako interesadong tumakbong pangulo ng bansa!

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Adviser on Food Security and Agricultural Modernization Sec. Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

Ginawa ni Pangilinan ang pahayag bilang paglilinaw sa lumutang na mga espekulasyon na ang pagkakatalaga niya sa puwesto ay bilang paghahanda para Presidential Election.

Sinabi ni Pangilinan na may mas seryosong problema ang sektor ng agrikultura na kailangang tugunan ng pamahalaan sa lalong madaling panahon.

Speak Your Mind

*