Kris Aquino at Vice Ganda, pagsasabungin sa 2014 MMFF entry

Hiwalay na proyekto ang ibibigay ng Star Cinema sa magkaibigang Kris Aquino at Vice Ganda for their Metro Manila Film Festival entry.

Makakasama umano ni Vice Ganda ang bunso ni Kris na si Bimby Aquino Yap at si Kris naman ay isang horror ang gagawin kasama si Coco Martin.

Dahil dito, mukhang malabo nang magkaroon ng sequel ang My Little Bossings na kasama si Bimby although nariyan pa rin naman si Ryzza Mae Dizon.

Magkakaroon umano ng sequel ang The Unkabogable Praybeyt Benjamin, isa sa mga top grossing films ni Vice Ganda habang Feng Shui sequel naman ang gagawin ni Kris kasama si Coco.

Speak Your Mind

*