Kundisyon ng rebeldeng grupo para mapalaya ang mga bihag nilang kabataan, ikinagalit ng Nigeria

Iginiit ni Interior Minister Abba Moro na hindi sila kailanman bibigay sa hiling ng militanteng grupo na dumukot sa mahigit dalawangdaang kabataang babae sa Borno, Nigeria!

Ikinagalit ng Nigerian Government ang anila’y ‘request’ ng Boko Haram na palayain ng pamahalaan ang mga nakakulong na islamic militants kapalit ng pagpapakawala nila sa mga bihag nilang mag-aaral.

Ayon kay Moro, wala sa posisyon ang grupong Boko Haram para humiling ng kahit na anuman mula sa pamahalaan!

Ganunpaman, binigyang-diin ng opisyal na kinu-konsidera nila ang lahat ng opsyon para lang mapalaya ng mga rebelde ang mga kabataang bihag.

Speak Your Mind

*