export industry ng Pilipinas, makikinabang sa Labor rights review ng Amerika

Tinapos na ng Estados Unidos ang pag-assess nito kalagayan ng karapatan sa paggawa sa Pilipinas.

Ito ang kinupirma ni Trade Secretary Gregory Domingo kasunod ng pagsabing tinanggal na rin ng Amerika ang lahat ng posibleng maging balakid para hindi makatanggap ng mga benepisyo ang bansa sa ilalim ng U-S Generalized System of References o GSP.

Ipinaliwanag ni Domingo na wala na ngayong banta sa mga Philippine Exports na pumapasok sa amerika sa ilalim ng GSP.

Ani Domingo, ngayong tapos na ang pag-review ng Amerika sa labor rights ng Pilipinas ay tiyak na ang pagpasok ng humigit kumulang isang bilyong dolyar na kita sa export industry ng bansa.

Speak Your Mind

*