Lebron James, bukas sa posibilidad na hindi siya ang tanghalin na MVP ngayong season

Tanggap ni Miami Heat Superstar Lebron James sakaling di niya makuha ngayong season ang ikatlong National Basketball Association o NBA Most Valuable Player (MVP) Award.

Ayon kay James, karapat-dapat na maging mvp ngayong  season si Kevin  Durant ng  Oklahoma City Thunder na nagpakita aniya ng all arround performance sa mga nakalipas na linggo para i-angat ang kanilang koponan.

Matatandaang si Lebron ay 4-time MVP Awardee at sa nakalipas na dalawang  taon ay nasungkit nito nang magkasunod  ang prestihiyosong award kasabay ng pagkampeon ng Miami Heat.

Inaasahang ngayong linggo ay i-aanunsyo kung sino ang tatanghaling Most Valuable Player sa NBA 2013-2014 season.

Speak Your Mind

*