Level ng tubig sa San Roque Dam, sapat para makapagsuplay ng tubig at power generation

Nananatiling matatag ang level ng tubig sa San Roque Dam kayat wala umanong dapat ipangamba ang mga Pangasinense sa posibleng kakulangan ng tubig at power generation nito.

Ito’y sa kabila ng nararanasang init ng panahon at ang nagbabantang pagpasok ng El Nino sa mga susunod na buwan.

Ayon kay San Roque Power Corp. Vice President for Corporate Social Responsibility Engr. Tom Valdez, malayo pa umano ang 239 meters above sea level sa critical level nito na 225 meters above sea level ng dam.

Walang umanong magiging problema sa pagsusuplay ng patubig sa mga sakahan hanggang sa panahon ng taniman, at maposible lamang umanong maapektuhan ang power generation ng dam kung bababa ang tubig sa critical level nito.

Sinabi pa ni Valdez na malaking tulong ang mga nararanasang mga pag-uulan ngayon sa mga kabundukan dahil nadadagdagan nito ang tubig sa dam.

Speak Your Mind

*