Libreng bakuna, isinasagawa ng PHO bilang panlaban sa sakit na polio

Patuloy na ibinibigay ng Provincial Health Office sa mga Health center ang libreng bakuna kontra polio sa mga bata at mga sanggol mula edad na dalawang buwan hanggang labinwalong buwan.

Ito’y kasabay na rin sa mas pinaigting na kampanya ng World Health Organization o WHO para tuluyan ng mawala ang sakit na polio dahil sa mataas na naitatala nito sa ibang bansa.

Ayon kay PHO Officer Dr. Anna de Guzman, mahalagang mabakunahan ang ang mga sanggol, at bata lalo na kung sila ay bibiyahe sa ibang bansa na laganap ang sakit na ito upang maiwasan na mahawaan.

Ipinaliwag ni de Guzman na ang polio ay impeksyon na likha ng virus. ito ang nagiging dahilan ng pagkaparalisa ng bahagi ng katawan ng isang tao, partikular na ang mga paa.

Upang maiwasan ang sakit na ito, sisiguraduhing malinis ang inuming tubig, nahugasang mabuti ang pagkain at ugaling palakasin ang resistensya.

Speak Your Mind

*