Libreng toys ride sa Binmaley, patok sa mga kabataan

Patok ngayon sa mga kabataan ng bayan ng Binmaley, Pangasinan ang libreng ride sa mga toy cars na matatagpuan sa Municipal auditorum ng naturang bayan.

Ang libreng toys ride para sa mga bata ay programa ni Vice Mayor Pedro “Pet” Merrera sa layuning mabigyang kasiyahan ang mga bata ngayong bakasyon at malayo ang mga kabataan sa masamang bisyo.

Ayon kay Dennis Carrera, umaabot sa mahigit isang daang kabataan ang nabigyan ng pagkakataong makapaglaro sa tatlumpong unit ng toy cars sa loob ng isang araw.

Samantala, nagpapatuloy parin ng programa ni Vice Mayor Merrera sa skateboarding na maaaring gamitin tuwing araw ng lunes, miyerkules at biyernes.

Speak Your Mind

*