Longest zipline sa Asya, pormal ng binuksa sa bayan ng Balungao

Pormal ng binuksan sa publiko ang pinaka-mahabang zipeline sa bansa maging sa buong Asya na sumusukat na isang kilometro at apatnaraang metrong haba na matatagpuan sa bayan ng Balungao, Pangasinan.

Ayon kay Balungao Mayor Phillip Peralta, pinundohan ng LGU’s ang naturang zipline ng aabot na sa apat (4) na milyong piso, hindi pa kasama dito ang pondong ginamit sa pagpapagawa ng mga kalsada at iba pang mga pasilidad.

Nilinaw naman ni Mayor Peralta na walang malaking ginastos at inutang para sa naturang proyekto bagkus ito ay mula umano sa mga nalikom nilang pondo.

Inaasahan naman ng alkalde na magbibigay ng mas malaking kita ang naturang proyekto sa kanilang bayan at mas dadagsa ang mga local at foreign tourist upang masubukan ang ibat-ibang kasiyahan sa Balungao Hilltop Adventure.

Speak Your Mind

*