Luis Manzano, hindi pa tiyak kung papasukin ang buhay-pulitika

Hindi pa umano nakakapag-decide ang TV Host/Actor na si Luis Manzano kung sumunod siya sa yapak ng kayang Mommy Vilma Santos at papasukin na ang buhay-pulitika o hindi.

Mahirap na raw kasing magpadalos-dalos lalo’t hindi naman pag-arte ang pinag-uusapan dito kundi totoong paglilingkod sa bayan.

Kwento pa ni Luis, pag-uusapan pa nila ng kanyang family at ilang advisers ang tungkol sa possibility ng pagpasok niya sa politics dahil kung siya lang daw kasi ang mag-iisip at magde-decide ay tiyak na matatagalan pa.

Pero nilinaw niya na never daw siyang in-impluwensiyahan ng kanyang magulang na pasukin ang pulitika.

Speak Your Mind

*