Maayos na electrical wiring installation sa mga paaralan, pinatitiyak ng BFP

Nakitaan ng iregularidad sa linya ng kuryente ang Lucao Elementary School sa lungsod ng Dagupan.

Sa ginawang inspeksyon ng Bureau of Fire Protection o BFP sa nasabing paaralan, nakita rito ang problema sa electrical wiring installation kung saan pinag dugtong-dugtong lang ang mga linya ng kuryente nito.

Ayon kay Sr/Insp. Ferdinand Formacion. ng Dagupan BFP, masyadong delikado para sa mga mag-aaral ang wiring installation dahil posibleng maulit ang nangyaring sunong sa naturang paaralan kamakailan.

Dahil dito, nagpaalala ang BFP sa DepEd at lahat ng paaralan sa Dagupan na tiyaking maayos ang kanilang electrical wiring system bago pa man magbukas ang klase ngayong darating na Hunyo.

Speak Your Mind

*