Mabagal na pagreponde sa lumubog na ferry, inako ng South Korean President

Inako na ni South Korean President Park Geun-Hye ang responsibilidad sa naging maling paghawak sa naganap na paglubog ng isang ferry sakay ang mahigit sa 400 estudyante at guro noong nakaraang buwan.

Naging emosyunal si Park sa 30-munitong talumpati kasabay ng anunsyo na nagdesisyon na itong buwagin ang South Korean Coastguard.

Sinabi pa ni Park na bubuo ito ng panibagong safety agency na siyang hahawak sa rescue duties na may investigative functions.

Sa kasalukuyan ay aabot sa 286 ang kumpirmadong nasawi habang 18 pa ang nawawala sa lumubog na barko na karamihan ay mga high school students na magsasagawa lamang sana ng field trip habang patungo sa Jeju Island.

Speak Your Mind

*