Mahigit 200 botante sa Pangasinan, nanganganib na hindi makaboto

Aabot sa mahigit dalawang daang libong botante sa lalawigan ng Pangasinan mula sa kabuuang 1.7 million voters, ang kailangang sasailalim sa biometrics validation.

Ayon kay Pangasinan Provincial Elections Supervisor Atty. Marino Salas, posibleng hindi na makakaboto sa susunod na eleksyon ang mga botante kung ang mga ito hindi maitutugma ang kanilang computer data.

Dahil dito, sinabi ni Salas na nasa kalsada pitong oras kada araw ang COMELEC para abutin ang mga botante na kailangang mag-validate ng kanilang registration gamit ang biometrics system.

Magsasagawa rin ang COMELEC ng mga aktibidad para gisingin ang kamalayan ng mga botante para i-validate ang kanilang voters registration, kabilang dito ang ‘Takbo para sa 2016’ sa ikalima at ikaanim na distrito at ‘Langoy para sa 2016’ ang unang distrito hanggang district 4 ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*